Ang cellphone na ordinaryong ginagamit natin ngayon ay unang gumana nung 1973 pero nahuli ng camera sa dalawang magkahiwalay na insidente — isa nung 1928 at isa nung 1938 — ang dalawang babaeng tila gumagamit ng cellphone?! Time Traveler sa 1938? Ano'ng masasabi ni Albert Einstein? Mapapaisip tayo kung sila kaya ay time travelers. Real talk ang pagtalakay natin kung ano talaga ang sinasabi ng siyensya tungkol sa time travel. Time Traveler sa Taong 1928? Si Charlie Chaplin ang pinakasikat na komedyante sa Amerika nung panahon ng silent movies. Ang isa sa kanyang mga pelikula, ang “The Circus” na ipinalabas nung 1928 ay ini-release sa DVD nung 2019. Kasama sa DVD ang ilang mga bonus na video clips at isa dito ay kuha mula sa Hollywood premiere ng The Circus noon ding 1928. Kapansin-pansin sa video clip ang isang babaeng naglalakad na tila may kausap sa hawak niyang bagay na parang isang cellphone. 1928 ito nangyari! Ang kaunaunahang pagtawag mula sa isang gumaganang handheld mobile
Science at Space Exploration para sa mga Pilipino, Ipaliliwanag sa Tagalog