Elon Musk Planong Ibalik ang Ganda ng Mars at Gamitin ang Starship sa Biyaheng Earth to Earth (Part 3)
Bakit Mars? Bakit ang planetang iyon ang gustong pagtayuan ni Elon Musk ng bagong kolonya ng mga tao kahit napakawalang-buhay at ni walang tubig at oxygen doon? At ano nga ba ang kongkretong plano ni Elon para mangyari ito? Table of Contents Exoplanet na Pwedeng Tirhan ng Tao? Mars lang ba ang Pwedeng Lipatan sa Solar System? Dating maganda ang Mars. Kulang ang Carbon Dioxide sa Mars? Kapag na-"terraform" ang Mars Rocket na Sasakyan Papuntang Mars Timeline ng Misyon sa Mars ni Elon Musk Kumusta na ang Schedule? Starship para sa Biyaheng Earth to Earth (parang airlines) Nasa part 3 na tayo ng seryeng “Misyon sa Mars ni Elon Musk.” Sa PART 1 ay ipinakilala natin ang bilyonaryong si Elon Musk. Sa PART 2 naman ay hinimay natin ang mga problemang kakaharapin ni Elon at ng SpaceX sa Mars. Exoplanet na Pwedeng Tirhan ng Tao? Nung July 23 2015, kinumpirma ng NASA na nadiskubre ng kanilang Kepler Mission ang isang planeta, na tinawag nilang Kepler-186f, na halos kasing