Skip to main content

Posts

Elon Musk Planong Ibalik ang Ganda ng Mars at Gamitin ang Starship sa Biyaheng Earth to Earth (Part 3)

Bakit Mars? Bakit ang planetang iyon ang gustong pagtayuan ni Elon Musk ng bagong kolonya ng mga tao kahit napakawalang-buhay at ni walang tubig at oxygen doon? At ano nga ba ang kongkretong plano ni Elon para mangyari ito? Table of Contents Exoplanet na Pwedeng Tirhan ng Tao? Mars lang ba ang Pwedeng Lipatan sa Solar System? Dating maganda ang Mars. Kulang ang Carbon Dioxide sa Mars? Kapag na-"terraform" ang Mars Rocket na Sasakyan Papuntang Mars Timeline ng Misyon sa Mars ni Elon Musk Kumusta na ang Schedule? Starship para sa Biyaheng Earth to Earth (parang airlines) Nasa part 3 na tayo ng seryeng “Misyon sa Mars ni Elon Musk.” Sa PART 1 ay ipinakilala natin ang bilyonaryong si Elon Musk. Sa PART 2 naman ay hinimay natin ang mga problemang kakaharapin ni Elon at ng SpaceX sa Mars. Exoplanet na Pwedeng Tirhan ng Tao? Nung July 23 2015, kinumpirma ng NASA na nadiskubre ng kanilang Kepler Mission ang isang planeta, na tinawag nilang Kepler-186f, na halos kasing

Mga Hamon sa Misyon sa Mars ni Elon Musk (Part 2)

Kaya mo bang tumira sa planetang Mars? Mabubuhay kaya tayo sa Mars?  Ito ang ikalawang bahagi ng ating serye tungkol sa misyon ni Elon Musk na magpadala ng tao na maninirahan at mag-uumpisa ng kolonya sa Mars. ( Basahin dito ang Part 1 .)  Dito sa part 2 ay hihimayin natin ang mga malalaking hamon na kakaharapin ni Elon at ng SpaceX sa pagpunta sa Mars. Mars Mission ni Elon Musk Series Part 1: Elon Musk, Bilyonaryong Magpapadala ng Tao sa Mars Part 2: Mga Hamon sa Misyon sa Mars ni Elon Musk Part 3: Plano: Ibalik ang Ganda ng Mars at Gamitin ang Starship sa Biyaheng Earth to Earth 1. Umpisahan natin sa temperatura.   Napakalamig sa Mars . Ang karaniwang temperatura doon ay -81°F o -63°C. Kapag summer o tag-init sa Mars, ang temperatura ay umaabot sa 20°C sa may equator nito pero sa gabi bumababa ang temperatura hanggang -73°C. Dito sa ating mundo, ang pinakamababang naitalang temperatura sa lugar kung saan may mga taong naninirahan, ayon sa Guinness Book of World Records, ay ang Oy

ELON MUSK: Bilyonaryong Magpapadala ng Tao sa Mars (Part 1)

Mga limang taon mula ngayon, sa taong 2025, may mga tao nang makakarating sa planetang Mars, hindi lang upang lumakad sandali  doon at  magtayo ng bandera ng Estados Unidos kungdi upang doon na manirahan. Yan ang vision ng bilyonaryong si Elon Musk. Kung mahilig ka sa science fiction o kung napanood mo ang pelikulang The Martian na ipinalabas nung 2015 na pinagbibidahan ni Matt Damon,  maaring interesado kang malaman kung posible nga ba na tumira ang tao sa planetang Mars. Mars Mission ni Elon Musk Series Part 1: Elon Musk, Bilyonaryong Magpapadala ng Tao sa Mars Part 2: Mga Hamon sa Misyon sa Mars ni Elon Musk Part 3: Plano: Ibalik ang Ganda ng Mars at Gamitin ang Starship sa Biyaheng Earth to Earth Matagal na itong pinaguusapan at kahit ang National Aeronautics and Space Administration o NASA ay may planong magpadala ng tao sa Mars. Kaya lang tila masyadong maaga ang 2025 para sa misyong ito. Nung si Barack Obama pa ang pangulo ng Estados Unidos, sinabi niya sa kanyang s

Totoo ba ang HOLLOW EARTH Ayon sa Siyensiya? (Part 5)

Isang napakagandang mundo! Isang sibilisasyong walang kaguluhan, walang tumatanda, masagana ang buhay, malinis ang hangin, mababait ang

Area 51 May Lagusan Papuntang Agartha? (Part 4)

May lagusan daw mula sa Area 51 papunta sa inner earth o ilalim ng mundo kung saan nandoon ang Agartha? Isang nag-retirong koronel