Mga limang taon mula ngayon, sa taong 2025, may mga tao nang makakarating sa planetang Mars, hindi lang upang lumakad sandali doon at magtayo ng bandera ng Estados Unidos kungdi upang doon na manirahan. Yan ang vision ng bilyonaryong si Elon Musk. Kung mahilig ka sa science fiction o kung napanood mo ang pelikulang The Martian na ipinalabas nung 2015 na pinagbibidahan ni Matt Damon, maaring interesado kang malaman kung posible nga ba na tumira ang tao sa planetang Mars. Mars Mission ni Elon Musk Series Part 1: Elon Musk, Bilyonaryong Magpapadala ng Tao sa Mars Part 2: Mga Hamon sa Misyon sa Mars ni Elon Musk Part 3: Plano: Ibalik ang Ganda ng Mars at Gamitin ang Starship sa Biyaheng Earth to Earth Matagal na itong pinaguusapan at kahit ang National Aeronautics and Space Administration o NASA ay may planong magpadala ng tao sa Mars. Kaya lang tila masyadong maaga ang 2025 para sa misyong ito. Nung si Barack Obama pa ang pangulo ng Estados Unidos, sinabi niya sa kanyang s
Science at Space Exploration para sa mga Pilipino, Ipaliliwanag sa Tagalog