Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Universe

Dark Matter: Siyam na Dekada Nang Hinahanap ng mga Scientists

Kahit saan sa universe ay mayroong dark matter ! Kahit dito sa Earth! Pero hindi natin ito nakikita. Para siyang multo! Napapalibutan ka ngayon ng dark matter at ayon sa mga scientists, kada segundo, milyon-milyon hanggang trillion na particles ng dark matter ang labas-masok at dumadaloy sa katawan mo nang hindi mo namamalayan. At napakabilis nila... nasa 400 km/sec. Ang missile ay may bilis na 6.4 km/sec lang at ang meteor ay nasa 42 km/sec lang. Delikado kaya ang dark matter? Dark Universe Series Part 1: Dark Energy: Ano Itong Kakaibang Bagay Na Ito sa Universe? Part 2: Dark Energy: Ang Kahihinatnan ng Universe Wala pa namang taong nai-report na nasugatan o biglang itinakbo sa ospital dahil sa isang misteryosong tama ng bagay na hindi maipaliwanag. Yung tipo ng sugat na parang galing sa tama ng isang kakaibang sandata gaya ng lightsaber pero hindi nakikita ang pinanggalingan. Kasi kung mayroong ganon, malamang ay paghinalaang galing ito sa dark matter. Watch it here: Matter is anyth

Dark Energy Part 2: Ang Kahihinatnan ng Universe

Nalaman natin sa Part 1 na may puwersang hindi nakikita at hindi nade-detect na kumokontra sa puwersa ng gravity kung kaya't lalong bumibilis ang expansion o paglawak ng universe. Ang puwersa ay tinawag na dark energy.   Ngayon mas mind-blowing ang mga susunod na nadiskubre ng mga astronomers. Sa pagkakalkula nila ng kung gaano kabilis ang expansion ng universe na sanhi nga ng dark energy, nakita nila na mas mabilis na nga ito sa speed of light. Get ready dahil iikot ang mundo niyo, or rather, ang universe niyo sa mga bago niyong malalaman. Narito ang ilang sa mga pinakamahalagang bahagi ng post na ito: Ang expansion ng universe ay mas mabilis na sa speed of light. Si Einstein ang unang nag-predict ng Dark Energy pero inakala niyang ito ang kanyang pinakamalaking pagkakamali. Ang Dark Energy ang magde-determina ng kahihinatnan ng ating universe. Mga scientific missions na nakatuon sa dark energy. 1. Ang expansion ng universe ay mas mabilis na sa speed of light. 1998 ng unan

Nakamamanghang Neptune, Rogue Planet, Neutron Star at Black Dwarf

Sadyang nakamamangha ang mga bagay sa universe . Narito ang ilang kaalaman tungkol sa apat na intersanteng bagay sa kalawakan:  Ang planetang Neptune Ang mga Rogue planets Ang Neutron Star at ang Black Dwarf 1. Simula nang nadiskubre ang planetang Neptune, nakakamangha na isang ikot pa lang sa araw ang nakumpleto nito.  Ang layo ng Neptune sa araw ay nasa 4.5 billion kilometers o 30 astronomical units o AU. Ang isang AU ay ang sukat na katumbas ng distansya ng Earth sa araw, kaya ang 30 AU ay tatlumpung beses ng layo ng Earth sa araw. Sa ganitong layo, 165 Earth years ang lilipas bago makakumpleto ang Neptune ng isang ikot sa araw. Nadiskubre ang Neptune nung September 24 1846 kaya mula noon ay nung 2011 pa lang nito nakumpleto ang isang orbit paikot sa araw.  Sa taong 2176 pa uli makakakumpleto ang Neptune ng isang orbit mula nung 2011. Watch it here: 2. Nakakamangha na hindi lahat ng planeta ay may iniikutang bituin. Mayroon palang mga lagalag na planetang gumagala sa

9 Nakamamanghang Kaalaman Tungkol sa Milky Way Galaxy

Alam nating ang galaxy kung saan tayo nabibilang ay tinatawag na Milky Way galaxy . Pero napakarami pang hiwaga at kamanghamanghang bagay ang malamang ay hindi niyo pa alam tungkol dito. Narito ang 9 na nakamamanghang kaalaman tungkol sa Milky Way galaxy. 1. Bakit kapangalan ng galaxy natin ang isang chocolate bar? Ayon sa kasaysayan, tinawag ng mga Romans ang galaxy na “via lactea” na ang translation ay “road of milk” o “daan ng gatas.” Ito ay dahil kapag tinignan nila ito sa kalangitan ay mukha itong patse ng gatas. Pero sinasabi ring nakuha lang ito ng mga romano sa mga Greeks o griyego na tinawag itong “galaxias kyklos” na ang ibig sabihin ay “milky circle” o “magatas na bilog.”  Nanggaling ang kuwento sa Greek Mythology, kung saan si Zeus , na dios ng kalangitan, ay may anak sa  labas, si Heracles na kilala rin sa tawag na Hercules.  Watch it here: Ang ina ni Hercules ay isang mortal at ordinaryong babae kaya’t ang bata ay hindi rin naging imortal. Pero may paraan upang maging i

Dark Energy Part 1: Ano Itong Kakaibang Bagay Na Ito sa Universe?

Dark energy ang tinawag ng mga cosmologists na “the most profound mystery in all of science”... “ang pinakamalalim na misteryo sa lahat ng agham.” Ito ay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila malaman kung ano talaga itong dark energy . Kahit ang sikat na astrophysicist na si Neil deGrasse Tyson ay sinabing, ito ang hindi nagpapatulog sa kanya sa gabi, dahil ang dark energy ang isa sa magtutukoy ng malagim na kahihinatnan ng ating universe.  Narito ang ilan sa mahahalaga at nakamamanghang kaalaman tungkol sa Dark Energy 1. Ang Dark Energy ay iba sa Dark Matter.  Magkaiba ang dalawang ito. Ang pareho lang sa kanila, pareho silang invisible at pareho silang hindi alam ng mga scientists kung ano ang kanilang komposisyon o kung ano talaga sila. Ang kaibahan, ang dark matter, hinihila ang mga galaxies para manatiling magkakasama samantalang ang dark energy ay pinaglalayo sila.  Watch it here: 2. Tinawag itong dark energy dahil hindi malaman ng mga astronomers kung ano ito.  Ayon kay