Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Time Travel

Cellphone sa 1928 at 1938? Sabi ni Einstein, Posible ang Time Travel

Ang cellphone na ordinaryong ginagamit natin ngayon ay unang gumana nung 1973 pero nahuli ng camera sa dalawang magkahiwalay na insidente — isa nung 1928 at isa nung 1938 — ang dalawang babaeng tila gumagamit ng cellphone?! Time Traveler sa 1938? Ano'ng masasabi ni Albert Einstein? Mapapaisip tayo kung sila kaya ay time travelers. Real talk ang pagtalakay natin kung ano talaga ang sinasabi ng siyensya tungkol sa time travel.   Time Traveler sa Taong 1928? Si Charlie Chaplin ang pinakasikat na komedyante sa Amerika nung panahon ng silent movies. Ang isa sa kanyang mga pelikula, ang “The Circus” na ipinalabas nung 1928 ay ini-release sa DVD nung 2019. Kasama sa DVD ang ilang mga bonus na video clips at isa dito ay kuha mula sa Hollywood premiere ng The Circus noon ding 1928. Kapansin-pansin sa video clip ang isang babaeng naglalakad na tila may kausap sa hawak niyang bagay na parang isang cellphone. 1928 ito nangyari! Ang kaunaunahang pagtawag mula sa isang gumaganang handheld mobile

Kuwento ng Tren na Biglang Nawala at Lumitaw sa Ibang Panahon, nag-TIME TRAVEL nga ba?

Tren na may lulang isang daan at apat (104) na katao, pumasok sa isang lagusan sa bundok pero hindi na nakalabas sa kabilang dulo? May mga kuwentong lumitaw daw ang tren na ito na sakay pa rin ang parehong mga pasahero pero nasa ibang panahon at lugar na sila. Nag time travel nga ba ito? Posible nga bang magawa ng siyensiya ang time travel?  Libreng Sakay sa Zanetti Train Sa bansang Italia, nag-organisa ang kumpanya ng tren na Zanetti ng bagong marketing campaign. Ito ay para i-demo ang bago nilang excursion train. Ang ginawa ng Zanetti,  inimbitahan nila ang mga kilala sa lipunan – yung mga mayayaman at makapangyarihan – upang sumama sa libreng sakay sa tren na lilibot at ipapasyal sila sa mga magagandang lugar sa Italia. Hapon ng ika-labing-apat ng Hunyo, taong 1911 (June 14, 1911), mahigit sa isang dosenang katao ang nakasaksi sa paglisan ng Zanetti Train sa istasyon sa Roma. Isang daang (100) pasahero at anim (6) na crew ang nakasakay sa tren na may tatlong (3) bagon. Masaya at en