Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Black Hole

Paano Kung Mahulog Ka sa Black Hole? Paano Ito Nabubuo? | Black Hole Serye Part 2

Bakit nga ba mayroong mga black holes sa ating universe? Para tuloy laging may nakaabang na panganib dahil sa presensya  ng mga ito! Paano ba kasi sila nabuo? At ano ang mangyayari sa atin sakaling mahulog tayo sa isang black hole?  Read: Black Hole Part 1 Paano nabuo ang isang black hole? Alam niyo ba na kapag may nabuong isang stellar mass black hole, ang ibig sabihin ay mayroong namatay na isang napakalaki at napakabigat na bituin? Nakakalungkot itong isipin pero iyan ang pinagmulan ng isang stellar mass black hole. Ang buhay kasi ng isang bituin, gaya ng ating araw ay umiikot sa pag-balanse ng dalawang proseso. Ang isa ay ang puwersa ng gravity na nagco-compress ng mga atoms ng mga gas na nasa bituin hanggang maging napakainit nito. Ito rin ang dahilan kung bakit maliwanag ang mga bituin. Kapag umabot ang init sa temperaturang sapat para magkaroon ng nuclear fusion, ito ang syang magiging pangalawang proseso. Ang nuclear fusion sa bituin ay ang pagsasanib ng nucleus ng mga atom ng

Black Hole Serye Part 1: Mahahalagang Kaalaman Tungkol sa Black Hole (Explained in Filipino)

Isang butas sa kalawakan na parang higanteng magnet, kaya nitong hilahin ang kahit anong bagay — ikaw, ako, ang buong mundo, mga bituin at ibang planeta, pati na ang araw at buong universe dahil sa lakas ng gravity nito.  Black Hole Serye Part 1 At kapag nahila na tayo, hindi na tayo makakalabas dito. Kahit ilaw ay hindi makakatakas Ito ang unang bahagi ng serye ng mga artikulo tungkol sa Black Hole.  Ang Black Hole sa Sentro ng Milky Way Galaxy Tinuturing ng mga scientists na mga halimaw ito ng kalawakan dahil pwede nitong lunukin ang alin mang bagay na mapapadpad sa paligid nito. Lalo pang kamangha-mangha na sa sentro mismo ng ating galaxy, ang Milky Way Galaxy ay mayroon palang ganitong higanteng halimaw na 4 million times na mas mabigat sa ating araw at mga 23.6 million kilometers ang diameter.  Watch the video: Hanggang ngayon, ang Black Hole ay nababalot pa rin ng misteryo dahil marami pang hindi alam ang mga dalubhasa tungkol dito. Sa tantya ng mga scientists, mayroong mga sa