Skip to main content

Dark Energy Part 1: Ano Itong Kakaibang Bagay Na Ito sa Universe?

Dark energy ang tinawag ng mga cosmologists na “the most profound mystery in all of science”... “ang pinakamalalim na misteryo sa lahat ng agham.” Ito ay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila malaman kung ano talaga itong dark energy.

Kahit ang sikat na astrophysicist na si Neil deGrasse Tyson ay sinabing, ito ang hindi nagpapatulog sa kanya sa gabi, dahil ang dark energy ang isa sa magtutukoy ng malagim na kahihinatnan ng ating universe. 

Dark Energy Explained by Madam Info in Tagalog

Narito ang ilan sa mahahalaga at nakamamanghang kaalaman tungkol sa Dark Energy

1. Ang Dark Energy ay iba sa Dark Matter. 

Magkaiba ang dalawang ito. Ang pareho lang sa kanila, pareho silang invisible at pareho silang hindi alam ng mga scientists kung ano ang kanilang komposisyon o kung ano talaga sila.

Ang kaibahan, ang dark matter, hinihila ang mga galaxies para manatiling magkakasama samantalang ang dark energy ay pinaglalayo sila. 

Watch it here:

2. Tinawag itong dark energy dahil hindi malaman ng mga astronomers kung ano ito. 

Ayon kay Michelle Thaller, isang astrophysicist sa NASA, isang sikreto daw ng mga astronomers ay kapag may isang bagay na hindi nila alam, tinatawag nila itong dark. Energy, dahil ito ay naga-ambag sa halos 70% ng kabuuang energy ng universe. Kaya dark energy. Kapag lubusan na nilang alam kung ano talaga ito, malamang ay bigyan na nila ito ng mas magandang pangalan.

Actually, medyo misleading ang pangalang “dark energy” dahil ayon sa ibang astronomers, madalas na naiisip ng mga tao na kapag sinabing dark, ito ay nag-aabsorb ng liwanag. 

Kabaliktaran ito ng dark energy dahil ito ay hindi nag-aabsorb at hindi rin nage-emit o naglalabas ng liwanag. Kaya ito mahirap ma-detect na lalong nagpapahirap sa mga astronomers.

3. 68% ng universe ay dark energy.

Ang lahat ng matter na alam natin, kilala natin at nakikita natin — mga atoms na bumubuo ng mga bituin, planeta, tayong mga tao, — ang lahat ng ito ay 5% lang pala ng universe. Ang 95% ay ang dark universe —  27% nito ay dark matter at 68% ay dark energy! 

Composition of the Universe: 68% Dark Energy
Credit: NASA

Ibig sabihin, nado-domina ng dark energy ang buong universe. Ibig sabihin kahit saan ay mayroong dark energy, saan mang sulok ng universe, kahit dito sa Earth, pwedeng nakapalibot sa iyo o pwedeng nasa loob ng katawan mo. Ito ang nagdidikta kung paano gumagalaw ang universe ngayon at kung paano ito magtatapos.

Paano naman nakalkula ng mga astronomers ang mga percentage na ito? Well, sa maraming paraan. Ang normal matter ay kayang sukatin dahil ito ay ang nakikita natin. Ang dark matter ay kayang tantyahin dahil sa epekto nito sa mga galaxies

Ang dark energy ang pinakamahirap sukatin sa lahat. Isang kakaibang technique ang ginawa ng mga astronomers kung saan isang klase ng supernova, ang Type 1A supernova ang ginamit sa kalkulasyon. (More on this below.)

Pero ang pinakagamit na gamit na paraan ng pagsukat para sa tatlo ay ang cosmic microwave background, ang naiwang radiation mula sa kapanganakan ng universe na ayon sa pangunahing teorya ay ang big bang.

Sa lahat ng paraang ginamit para makalkula ang komposisyon ng universe, halos pare-pareho ang nakukuhang resulta — 68% dark energy, 27% dark matter at 5% lang ang normal matter. 

4. Ang universe ay hindi lang nage-expand, kundi mas lalo pang pabilis nang pabilis ang pag-expand at ang may kagagawan nito ay ang dark energy.

1929 nang napatunayan ni Edwin Hubble na ang universe ay nage-expand. Nung 1998, nadiskubre nila Saul Perlmutter at Adam Riess ng U.S. at Brian Schmidt ng Australia na hindi lang nage-expand kundi bumibilis pa lalo ang page-expand ng universe.

Shocking ito para sa mga scientists dahil kumbinsido sila noon, base na rin sa Theory of General Relativity ni Albert Einstein, na dahil sa gravity, dapat, sa paglipas ng panahon ay bumagal na ang page-expand ng universe. So kamot-ulo sila ngayong nagtatanong kung paano ito nangyari?

Para maipaliwanag ang nakakagulat na discovery na ito, naisip nilang may ibang klase ng puwersa na mas malakas... isang misteryosong enerhiya na kumokontra sa gravity para lang mangyari ang pabilis na pabilis na expansion. Ang puwersang ito ang tinawag nilang dark energy. 

5. Supernova ang ginamit na paraan para madiskubre ang Dark Energy. 

Sa astronomy mayroong tinatawag na standard candles na ginagamit para masukat ang distansya. Isang halimbawa ay dalawang bituin na pareho ang uri at luminosity o liwanag pero ang isa ay mas malayo sa isa. Yung mas malapit na bituin ay  maliwanag kaysa sa mas malayong bituin. 

Base sa luminosity, makakalkula ang distansya sa pamamagitan ng isang formula na tinatawag na inverse-square law.

Ang supernova, ang napakalakas na pagsabog na nangyayari sa pagkamatay ng isang malaki at mabigat na bituin, ang pinaka-epektibong standard candle dahil una, napakaliwanag nito — kasing liwanag ng isang bilyong sun. Pangalawa, napaka-uniform o pare-pareho ng liwanag ng mga supernova kaya mas accurate o eksakto ang resulta kapag ginamit ito sa kalkulasyon.

Isang uri ng supernova ang ginamit nila Saul Perlmutter, Adam Riess at  Brian Schmidt upang madiskubre ang pabilis ng pabilis na expansion ng universe at ang dark energy. Ito yung Type 1A supernova dahil bukod sa napakaliwanag nito, consistent rin ang flash ng liwanag na nanggagaling dito.

Nangyayari lang ang Type 1A supernova sa mga binary stars kung saan ang isa sa kanila ay isang white dwarf. Kapag nahila ng gravity ng white dwarf yung isang star, hihigupin nito ang materyal mula sa isang star kaya pabigat ito ng pabigat hanggang sa puntong sasabog ito — ito na yung Type 1A supernova.

Type 1A Supernova
Credit: NASA

Kinailangan lang nila Perlmutter na hanapin ang mga supernova events at humingi ng tulong sa ibang astronomers na gumagamit ng malalakas na telescopes upang mabuo ang kanilang data at makalkula ang hinanap nilang rate ng expansion ng universe — kung bumabagal nga ito pero salungat dito ang nakita nila.

Dahil sa kanilang nadiskubre, ginawaran sina Perlmutter, Schmidt at Riess ng Nobel Prize in Physics nung 2011.

Comments

Popular Posts

Agartha at mga Teorya Tungkol sa Hollow Earth (Part 1)

May kaharian daw sa kaloob-looban ng ating mundo, sa kaila-ilaliman ng ating kinatatayuan, at hindi daw totoo na solid ang core o pinakagitna nito gaya ng napag-

Totoo ba ang HOLLOW EARTH Ayon sa Siyensiya? (Part 5)

Isang napakagandang mundo! Isang sibilisasyong walang kaguluhan, walang tumatanda, masagana ang buhay, malinis ang hangin, mababait ang

Pilipinas, Makakagamit ba ng 1Gbps Starlink Internet ni Elon Musk?

Makakatulong kaya at mapapakinabangan sa Pilipinas ang Starlink satellite project ni Elon Musk at ng SpaceX?