Skip to main content

Posts

Showing posts from November, 2021

Mga Hamon sa Misyon sa Mars ni Elon Musk (Part 2)

Kaya mo bang tumira sa planetang Mars? Mabubuhay kaya tayo sa Mars?  Ito ang ikalawang bahagi ng ating serye tungkol sa misyon ni Elon Musk na magpadala ng tao na maninirahan at mag-uumpisa ng kolonya sa Mars. ( Basahin dito ang Part 1 .)  Dito sa part 2 ay hihimayin natin ang mga malalaking hamon na kakaharapin ni Elon at ng SpaceX sa pagpunta sa Mars. Mars Mission ni Elon Musk Series Part 1: Elon Musk, Bilyonaryong Magpapadala ng Tao sa Mars Part 2: Mga Hamon sa Misyon sa Mars ni Elon Musk Part 3: Plano: Ibalik ang Ganda ng Mars at Gamitin ang Starship sa Biyaheng Earth to Earth 1. Umpisahan natin sa temperatura.   Napakalamig sa Mars . Ang karaniwang temperatura doon ay -81°F o -63°C. Kapag summer o tag-init sa Mars, ang temperatura ay umaabot sa 20°C sa may equator nito pero sa gabi bumababa ang temperatura hanggang -73°C. Dito sa ating mundo, ang pinakamababang naitalang temperatura sa lugar kung saan may mga taong naninirahan, ayon sa Guinness Book of World Records, ay ang Oy