Ayon sa Speedtest Global Index ng Ookla, as of
August 2020, ika-120 ang Pilipinas out of 140 na bansa sa ranking ng bilis ng
mobile internet at ika-106 naman out of 174 countries sa bilis ng fixed
broadband internet!
Mukhang kasama tayo sa mga nangungulelat na
bansa pagdating sa pagkakaroon ng mabilis na internet connection. Hindi pa
kasama sa datos na iyan ang mga kababayan nating wala talagang access sa
internet.
Kung magiging available dito sa atin ang Starlink internet ni Elon
Musk na ang target na bilis ay nasa 1 gigabit per second o 1000 megabits per
second, wow laking ginhawa nito para sa ating mga Pilipino!
Ang Starlink ay isa sa mga malalaki at
ambisyosong proyekto ni Elon Musk. Si Elon Musk ngayon ang panlima sa mga
bilyonaryo at pinakamayayamang tao sa buong mundo, kasunod ng Facebook CEO na
si Mark Zuckerberg.
Ang Starlink ay isinasagawa ng kumpanya ni Elon na Space
Exploration Technologies Corp o SpaceX. Binubuo ito ng konstelasyon ng
libo-libong mga satellites sa Low Earth Orbit o LEO na naglalayong maghatid ng mabilis
at epektibong internet access sa mababang halaga sa kahit saan man sa mundo,
lalo na yung mga malalayo sa kabihasnan at mahirap abutin ng serbisyo ng mga
kasalukuyang network providers.
Libo-libong satellites? Ilang libo? Nauna nang
naaprubahan ng U.S. Federal Communications Commission nung April 2019 ang
sinumiteng papeles ng SpaceX na makapaglatag ng 12,000 satellites sa Low Earth
Orbit. Nung October 2019, nagsumite uli ang SpaceX ng panibagong proposal na
magdagdag ng 30,000 pang satellites. Kapag naaprubahan ito, magkakaroon ng
42.000 Starlink satellites na papalibot sa Earth.
Sa buong kasaysayan, mayroon lang mga 9,000
satellites ang lumipad sa kalawakan mula sa Earth. As of April 2020, kulang sa 2,000
satellites ang nasa Low Earth Orbit, ayon sa Union of Concerned Scientists.
Iyan na ang total na bilang ng lahat ng mga aktibong satellites na nasa Low
Earth Orbit mula sa iba’t ibang bansa, kasama na ang Maya-1 at Diwata-2
satellites ng Pilipinas. Ibig sabihin, mahigit dalawampung beses na mas marami
ang mga satellites na ipapadala ng SpaceX kaysa sa mga naroon na sa kasalukuyan.
2015 nang unang inanunsyo ni Elon Musk ang plano
ng SpaceX na mag-develop ng makabagong teknolohiya ng mga satellites, kasabay
ng opisyal na pagbubukas ng bagong headquarters ng SpaceX sa Washington state.
(Elon Musk) Ang isinasagisag nito ay ang opisyal na pagbubukas ng SpaceX
Seattle.
Credit: YouTube/Cliff O (screenshot)
Sinabi niyang ang Seattle, Washington ang magiging
sentro ng gawain pagdating sa mga satellites habang ang mga rockets naman ay
dinedevelop sa California at ngayon ay mayroon na rin sa Texas kung saan
ginagawa ang Starship, ang rocket na gagamitin papuntang Mars.
Speaking of Mars, nabanggit ni Elon sa kanyang
speech sa Seattle, na bukod sa Earth, plano rin nilang gawin ang konstelasyon
ng mga satellites sa Mars. Sinabi niyang mangangailangan rin ang Mars ng pangmalawakang
komunikasyon. Alam naman nating ang pagpunta sa Mars ang talagang pangarap ni
Elon at ng SpaceX kaya kapag natuloy ito, ang komunikasyon sa pagitan ng Mars
at Earth ay sadyang mahalaga. Dito ay mapapakinabangan nga naman ang sistema ng
Starlink.
Mayroong inamin si Elon sa kanyang talumpati. Hindi itinago ni Elon na bukod sa layunin nitong
makapaghatid ng mas mabilis at epektibong internet connection sa buong Earth at
pati na sa Mars, mayroon pa siyang mas matinding dahilan kung bakit tinatayo
niya at ng SpaceX ang Starlink. Sinabi niyang ang Starlink ay isang paraan upang
makapag-generate ng kita na susuporta sa pagtatayo ng siyudad sa Mars na
siyempre ay nangangailangan ng maraming maraming pera para maisakatuparan.
Gumawa ng estimate ang website na forbes.com ng
posibleng kikitain ng Starlink. Ayon sa kanilang kalkulasyon, base sa dami ng internet
users na magsusubscribe dito na tinatayang mga 14.4 million sa halagang mga 60
dollars bawat isa, pagdating ng 2025 ay pwede itong kumita ng mga 10.4 billion
US dollars sa isang taon. Hindi na masama, di ba, kumpara sa kita ng SpaceX sa
mga rockets nito na nasa dalawa hanggang tatlong bilyong dolyar bawat taon?
Ibig sabihin, hindi lang doble kundi mga limang beses na mas malaki ang
posibleng kitain ng Starlink.
Mas optimistic ang projection ng SpaceX. Sa nasilip
na mga internal documents ng The Wall Street Journal mula sa SpaceX, tinatarget
pala ng kumpanyang, by 2025, ang kita ng Starlink ay nasa 22 billion dollars na
kada taon. Hinulaan naman ng mga financial analysts ng Morgan Stanley na aabot
sa 30 billion dollars kada taon ang pwedeng kitain ng Starlink. Wow! Magiging
malaking tulong nga ito sa Mars missions kapag nagtagumpay ito at isang
paniguro upang hindi maubusan ng pondo sa mga gastos nito sa biyaheng Mars.
February 22 2018 nang unang ipinadala ng SpaceX sa low earth orbit ang
dalawang demo satellites na pinangalanan nilang Tintin A & B. Nakisabay
lang ito sa primary payload ng Falcon 9 rocket nang araw na iyon — ang PAZ
satellite ng kumpanya sa Spain na Hisdesat.
Bagamat pang anim na buwan hanggang isang taon lang inasahang magagamit ang
Tintin A & B, humaba pa ang buhay nito hanggang dalawang taon at napakinabangan
bilang pang-testing para maiayos ang mga sumunod na ipinadalang satellites. Dahil
tapos na ang trabaho nito, kontroladong pinabagsak ang Tintin B nitong August 2020 at ang
Tintin A nitong September 2020 upang masunog sa atmosphere nang Earth.
May 24 2019 nang inilunsad ang unang 60 Starlink
satellites na ang disenyo ay siya nang gagamitin sa produksyon. Pang-testing pa
rin ang mga ito at wala pang kapabilidad na makapag-usap sa bawat isa, pero mayroon
itong komunikasyon sa mga antenna na nasa Earth. Sa ngayon mga 39 sa mga ito
ang pinabagsak na sa Earth habang ang mga natira ay unti-unti na ring
pinabababa ang lipad.
November 11 2019 nang inilunsad naman ang sumunod na
60 satellites na siya ring unang batch na gagamitin na sa operasyon ng Starlink.
Nitong 2020 ay nagsunod-sunod na ang
pagpapalipad ng mga Starlink satellites buwan-buwan at minsan ay dalawang beses
pa kada buwan. Kadalasan ay tag-animnapung satellites ang pinakakawalan bawat
lipad ng Falcon 9, pwera na lang kung may ibang payload na nakikisakay o yung
tinatawag ng SpaceX na rideshare. Sa bawat
rideshare ay binabayaran ang SpaceX ng 1 million dollars na isang paraan kung
paano kumikita ang mga rockets ng SpaceX. Sa ganitong pagkakataon, mga 58 o 57
Starlink satellites lang ang sakay ng Falcon 9.
Nitong October 6 2020 lang ang pinakahuling
paglipad ng 60 Starlink satellites. So far, mayroon nang mahigit 700 Starlink
satellites na nasa orbit, sapat na upang simulan ang public beta testing. Ayon
kay Elon Musk, kapag narating na ng mga satellites ang target nitong posisyon,
maaari nang simulan ang public beta sa Northern US at baka sakali, pati na rin
ang Southern Canada. Susunod na rin ang ibang mga bansa, depende sa pagpayag ng
gobyerno ng mga kani-kanyang bansa.
Pwede ba sumali ang mga Pilipino sa public beta
testing kapag binuksan na ito sa ibang bansa? Pwede nating subukan. Punta lang tayo sa
official website ng Starlink, ang starlink.com. I-type ang iyong email address
at ang iyong Service address – kung saan ka nakatira. Mayroon nang mga address
na nakalagay dito at kailangan mo na lang i-click kung alin ang nagma-match sa
address mo. Kung hindi eksakto, piliin mo na lang ang pinakamalapit sa lugar
mo. Halimbawa, nakatira ka sa Chicago Street, Cubao, Quezon City. Wala itong
eksaktong ka-match kaya subukan mong i-type ang Chicago, Quezon City at ayan,
lumabas ang Chicago, Quezon City, Metro Manila, Philippines. Pwede mo na yan
i-click.
Submit your email to starlink.com for updates and a chance to become a beta tester
O pwede mo rin gamitin ang Plus Code kasama ang
iyong city. Ang Plus Code ay maari mong makuha gamit ang Google Maps app sa
iyong Android phone. Hanapin lang ang iyong street address, halimbawa uli ay
Chicago, Quezon City. Kapag lumabas na sa search ang lugar, i-tap mo lang yan
at makikita mo ang kalye o lugar sa mapa. I-tap mo lang ng matagal yung
lokasyon at lalabas yung pulang pin. Mag-scroll ka sa bandang ilalim ng screen
at makikita mo doon yung plus code icon.
Katabi nito ang Plus Code na J2GW+9J at ang
siyudad na Quezon City, Metro Manila. Ito ang i-type mo sa Service Address box
at ayan, lumabas na agad. I-click mo na lang iyan at pwede mo nang i-click ang
SUBMIT. Kapag nag-check ka ng email mo, makikita mo ang acknowledgment email ng
Starlink. Sinasabi dito, “If you provided us with your address, you will be
notified via email if beta testing opportunities become available in your area.”
Ibig sabihin, posible na makasama ka sa beta testing kapag naging available ito
sa area mo.
“In the meantime, we will continue to share with
you updates about general service availability and upcoming Starlink launches.”
So, habang wala pa, maaari kang padalhan ng updates ng Starlink. Medyo matagal
pa ito, mga 2021 o 2022 pa, kung
makakasama nga ang Pilipinas dahil uunahin muna sa US at Canada.
Importante sa SpaceX na ang mga unang makakasama
sa beta testing ay nakatira sa mga lugar na malayo sa siyudad at may maaliwalas
na view o tanawin ng Northern Sky.
Pero kung sakaling maging available na nga ito
sa area mo, at padalhan ka ng notification ng SpaceX na isinasama ka bilang
beta tester ng Starlink, isa ka sa mga unang gagamit ng Starlink satellite
internet system. Dahil beta testing pa lang ito, hindi pa ito perpekto. Pwedeng
intermittent o hindi pa stable ang connection. Ang feedback galing sa iyo at ibang beta
testers ang tutulong sa SpaceX na mapabuti ang kanilang sistema para masegurong
magawa nila itong pinakamagaling na satellite broadband internet system.
Bilang beta tester, makakatanggap ka ng Starlink
kit na ipapadala via FedEx. Ang laman nito ay ang Starlink dish o terminal,
router, power supply, mga kable at dish mount.
Credit: Twitter/TesBros
May responsibilidad kang gamitin
ang Starlink ng at least mga 30 minutes hanggang isang oras kada araw at sagutin
ang mga surveys na ipapadala ng SpaceX sa loob ng walong buwan para magbigay ng
feedback. Pipirma ka ng Non-Disclosure Agreement kung saan nakasaad na hindi mo
puwedeng isapubliko ang iyong karanasan bilang beta tester. Ibig sabihin, hindi
mo ito pwedeng i-vlog o i-post sa social media.
Libre ang paggamit ng hardware at serbisyo ng
Starlink pero may napakaliit na charge na 1 dollar o mga 48 pesos lang naman
kada buwan. Ito ay upang ma-test nila ang kanilang ordering at billing systems
bilang bahagi ng beta program. Sisingilin ito 30 days pagka-deliver ng Starlink
kit.
Para gumana ang Starlink, simple lang ang sinabing
instructions ni Elon Musk: Plug in socket and Point at sky. Inilarawan niya ang
terminal na parang manipis na flat na pabilog na UFO na nasa stick. Mayroon daw
itong mga motor na kayang mag-adjust ng anggulo nito upang makita nang maige
ang langit kung saan naroon ang mga satellites.
Siyempre, si Elon Musk ang isa sa mga unang sumubok
ng Starlink. October 22 2019 pa ng nakapag-tweet siya gamit ang Starlink kung
kailan ang nasa orbit pa lang ay ang Tintin A & B at ang animnapung test
satellites.
July 2020 nang sinimulan
ang private beta trials. Ito ay eksklusibo para lang sa mga kaibigan at
kapamilya ng mga empleyado ng SpaceX at by-invitation lamang.
Nasilip ng mga taga-reddit na tinatawag ding
redditors ang resulta ng speedtest ng ilan sa mga private beta testers.
Karamihan sa mga ito ay nasa Seattle, Washington area, kung nasaan ang
headquarters ng Starlink. Ang iba naman ay sa Los
Angeles, California at mayroon ding sa Honolulu, Hawaii. Magaling na detectives
ang mga redditors at nahanap nila ang mga data na ito galing sa speedtest.com ng
Ookla. Dahil nga sa pagpirma ng mga beta testers ng Non Disclosure Agreement, hindi pa talaga
pampubliko ang mga data na ito. Pati ang mga impormasyon tungkol sa Starlink
kit, mga responsibilidad ng beta testers at iba pa ay sa kanila ko rin nakuha.
Makikita dito na ang pinakamababang ping o
latency ay 18 milliseconds, ang pinakamabilis na download speed ay 130.73
megabits per second at ang pinakamabilis na upload speed ay 42 megabits per
second.
Hindi na masama! Sa ganitong bilis, kaya nang mag-stream ng HD movies
nang sabay sabay, sakaling may dalawa o higit pang computers ang nakakabit sa
Starlink router. Pasok na pasok na din yan sa online gaming lalo na sa mga first
person competitive shooter games gaya ng CSGO at Call of Duty.
Pero ang resultang
iyan ay malayo pa sa target ng SpaceX na 1 gigabit o 1000 megabits per second
para sa download speed. Natural lang naman ito dahil beta stage pa lang at kakaunti
pa ang dami ng Starlink satellites na gumagana, kumpara sa target nitong 42,000
satellites.
Ang mga Starlink satellites ay umiikot sa low
earth orbit sa taas na 550 km na sasakop sa buong mundo samantalang ang
karamihan ng mga satellite internet providers, ang satellites nila ay
nanggagaling sa iisang geostationary satellite na nag-oorbit sa Earth sa taas
na 35,000 km. Sumasabay ang ikot nila sa rotation ng Earth kaya ang coverage
nito ay nasa isang partikular na rehiyon lang ng Earth. Dahil mas malapit ang
mga Starlink satellites, mas mabilis rin ang biyahe ng impormasyon mula ground papuntang
satellite at pabalik. At dahil bumibiyahe ang signal sa vacuum of space, mas
mabilis ito ng mga 50% kaysa sa fiber internet na gumagamit ng fiber-optic
cable. Kumpara naman sa 5G, parehong may mga advantages at disadvantages ang 5G
at ang Starlink na mas tatalakayin natin sa ibang article.
Sadyang kahanga-hanga ang makabagong teknolohiya ng
Starlink na, ayon sa teslarati.com ay dinesenyo lahat ng SpaceX.
Ang Starlink satellites ang kaunaunahang spacecraft
na gumagamit ng krypton bilang power source. Yes, you heard it right! Krypton
as in yung planetang pinanggalingan ni Superman! Pero ang Krypton na gamit ng
Starlink ay ang chemical element na Krypton na may atomic number na 36.
Ang bawat Starlink satellite ay mayroong krypton
ion thrusters na siyang mag-aangat ng satellite mula sa 440 km kung saan ito
pinakawalan papunta sa 550 km sa siyang target orbit nito. Ito rinang magmamaneobra ng satellite sakaling
kailangan nitong umiba ng orbit o umiwas sa ibang spacecraft.
Credit: SpaceX
Noon pa ginagamit
ang ion thrusters para sa mga satellites pero imbes na Krypton gas ay Xenon ang
karaniwang ginagamit. Mas madalang na natatagpuan sa Earth ang Xenon kaya ito
ay mahal habang mas sagana naman ang ating atmosphere sa Krypton. Dahil dito malaki
ang matitipid ng SpaceX na itinatayang nasa 50,000 dollars o mahigit pa sa
bawat satellite.
Ang apat na antenna ng isang Starlink satellite
ay nakakabit mismo sa katawan nito, imbes na nakalabas o nakausli gaya sa mga karaniwang satellites. Dahil dito, maiiwasan
ng Starlink ang posibilidad na maaksidenteng matanggal ito.
Ang pagpapatong-patong ng mga 60 satellites upang
magkasya sa Falcon 9 at ang pagpapakawala nito nang sabay-sabay ay isa ring
unique at kakaibang style ng SpaceX. Kusang maghihiwahiwalay ang mga ito upang
pumunta sa sari-sarili nitong mga puwesto sa orbit sa pamamagitan ng mga krypton
ion thrusters nito.
Kung nakikita nating mukhang napakaganda ngang
proyekto ng Starlink, mayroon ding nakikita ang mga eksperto na posibleng
idulot nitong problema.
Una, dahil sa napakarami ng mga satellites nito, naroon
ang peligro ng pagbabanggaan hindi lang sa kapwa nito Starlink satellite kundi
pati sa ibang mga satellites. Sinabi ni Elon na may kakayahan sa computer
program ng mga satellites na umiwas sa posibleng banggaan.
Pangalawa,
umaangal ang mga astronomers dahil natatakpan daw ng liwanag nito ang view nila
ng mga objects sa kalangitan gaya ng mga bituin, planeta, galaxy, meteors,
asteroids at iba pa kaya nakakaapekto ito sa trabaho nila. Ang tugon naman dito
ng SpaceX, nilagyan nila ng visors ang mga satellites para sanggain ang sinag
ng araw na tumatama sa antenna nito at nagdudulot ng nakasisilaw na liwanag. Tinawag
ang mga bagong version ng satellites na VisorSat.
Pangatlo, ang mga hindi na gumaganang satellites
ay posibleng makadagdag sa space junk o basura sa space. Ang sabi naman ng SpaceX,
sa dulo ng buhay ng mga satellites, gagamitin nito ang sariling propulsion
system upang mag-deorbit at kontroladong magpabagsak at masunog sa atmosphere
ng Earth.
Isang hamon sa SpaceX ang pagpapadala ng satellites
nang maramihan. Hanggang 60 lang ang kayang dalhin ng Falcon 9 rocket pero
kapag gumana na ang Starship ay kaya nitong magdala ng hanggang 400 satellites
bawat biyahe.
Ang isa pang mas malaking hamon ay kung paano mapapababa ang
presyo ng terminal o satellite dish. Inamin ni Elon na taon pa ang kailangan
para masolusyonan nila ito.
Sa ngayon, ay mayroon nang lisensya ang SpaceX para sa paggamit ng 1 million user terminals sa US.
As of this time, October 19 2020, wala pang pinal na
halaga kung magkano ang sisingilin ng SpaceX para sa subscription sa Starlink
internet dahil pinag-aaralan pa nila kung paano ito mapapababa para maging
affordable sa lahat.
Ang pinakamalaking tanong nating mga Pilipino...
maaabot nga kaya tayo ng serbisyo ng Starlink kapag tuluyan na itong
nag-operate? Sa ngayon ang mga bansang nababanggit na mayroon nang lisensya o
tinatrabaho na ng SpaceX ay ang U.S., Canada, Caribbean, Germany, Africa,
Australia, Mexico, New Zealand, United Kingdom, Argentina, Netherlands, Greece,
Austria, Spain at France. Ang sagot sa tanong, kung sa coverage lang,
definitely, sakop ng Starlink ang Pilipinas. Kayang-kaya tayong bigyan ng Starlink ng
malakas at mabilis na internet access!
Ang problema lang ay ang batas natin patungkol
sa mga internet providers na luma na at hindi na applicable sa panahon natin
ngayon. Sa ilalim ng Philippine Constitution, isinasaad sa Philippine
Telecommunications Policy Act o Republic Act No. 7925 na ang mga public
telecommunications services, kasama na dito ang fixed, mobile at satellite
services ay nangangailangan ng legislative franchise mula sa kongreso bago
makapag-operate. Ibig sabihin, kailangan munang magpasa ng batas ang kongreso
na nagbibigay ng prangkisa sa isang internet network o satellite service
provider. Kailangan din na at least 60% na pag-aari ng Pilipino ang nasabing
provider.
Kung baga dadaan muna sa butas ng karayom ang
sino mang baguhang nagnanais na pumasok sa bansa upang makapagbigay ng internet
service, gaya ng Starlink. No wonder, isa tayo sa may pinakamabagal na internet
speed sa buong mundo.
Ang proposal sana na tinawag na Open Access in Data
Transmission Act na inihain pa nung 2017 ang magtatanggal ng requirement na
kailangan pang isabatas ng kongreso ang pagbibigay
ng prangkisa upang makapag-operate ang network. Kapag naaprubahan ito, dadami
ang makakapag-alok ng mas epektibong internet service, hihigpit ang kumpetisyon
at magpapagalingan ang mga ito sa serbisyo. Ang kaso, hanggang ngayong 2020 ay
nakabinbin pa rin ito sa kongreso!
Pati ang mungkahi ng Philippine Chamber of
Commerce and Industry na aprubahan ang Executive Order na paluwagin ang batas
para sa satellite access at palawigin ang internet connectivity sa bansa ay
mukhang ayaw ring pirmahan ni Presidente Duterte. Ayon kay Presidential
spokesman Harry Roque, kailangan pa raw itong aralin mabuti. (facepalm) Sana
lang, kapag handa na ang Starlink na mag-operate dito sa Pilipinas, napirmahan
na ang mga batas na dapat pirmahan nang makaranas naman ang mga Pilipino ng
mabilis na internet.
May kaharian daw sa kaloob-looban ng ating mundo, sa kaila-ilaliman ng ating kinatatayuan, at hindi daw totoo na solid ang core o pinakagitna nito gaya ng napag-
Comments
Post a Comment