Bakit nga ba mayroong mga black holes sa ating universe? Para tuloy laging may nakaabang na panganib dahil sa presensya ng mga ito! Paano ba kasi sila nabuo? At ano ang mangyayari sa atin sakaling mahulog tayo sa isang black hole? Read: Black Hole Part 1 Paano nabuo ang isang black hole? Alam niyo ba na kapag may nabuong isang stellar mass black hole, ang ibig sabihin ay mayroong namatay na isang napakalaki at napakabigat na bituin? Nakakalungkot itong isipin pero iyan ang pinagmulan ng isang stellar mass black hole. Ang buhay kasi ng isang bituin, gaya ng ating araw ay umiikot sa pag-balanse ng dalawang proseso. Ang isa ay ang puwersa ng gravity na nagco-compress ng mga atoms ng mga gas na nasa bituin hanggang maging napakainit nito. Ito rin ang dahilan kung bakit maliwanag ang mga bituin. Kapag umabot ang init sa temperaturang sapat para magkaroon ng nuclear fusion, ito ang syang magiging pangalawang proseso. Ang nuclear fusion sa bituin ay ang pagsasanib ng nucleus ng mga atom ng
Madam Info
Science at Space Exploration para sa mga Pilipino, Ipaliliwanag sa Tagalog